top of page
Search

WIKANG KATUTUBO: Tungo Sa Isang Bansang Pilipinas

Zaldy Carreon De Leon Jr.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika,

ay higit pa sa malansang isda.”

Dr. J.P. Rizal


Bakit kailangan kong itanong kung ‘Tama pa ba o tama ba?’


Napakaraming bumulog sa aking isipan ng marinig ko ang tema para sa Buwan ng Wika – kung, wikang katutubo ay tungo diumano sa isang bansang Filipino. Kaya’t kinilatis ko ang mga bagay-bagay. Tama pa ba na wikang katutubo ang daan tungo sa nagkakaisang bansa? Tama pa ba na buhayin ang wikang katutubo upang maglaan ng panahon sap ag-aalala nito; o muli nitong pagkabuhay? Ano ba ng wikang katutubo at ang daan na tinutukoy nito? Tila napakalakas na ng pangangilangan nating mga Pinoy na magkaisa. Hiwa-hiwalay na nga ang ating mga isla, hiwa-hiwalay pa ang ating unawa, hiwa-hiwalay pa ang ating paninidigan! Kaya minsan maitatanong mo na lang sa iba: “O Pinoy, buhay ka pa ba o pilit kang binubuhay ng iilan? Tulad ng mga wikang katutubo sa ating bansa: pilit na lamang binubuhay ng iilan.“ Sa dami ng ating mga pinagkakaabalahan, di man lamang tao lumingon sa sarili nating bakuran. At, baka nandito lang ang unawa at pagkakaisa na matagal na nating hinahanap.




Una, maraming tao ang nagsasabi-sabi ng pagmamahal sa wikang Filipino bagaman hindi naman mapasa-pasa sa Kongreso na bigyang puwang ang Baybayin sa ating mga paaralan! Ang iba ay nagsasabi na ibalik ang pagsulat ng Baybayin habang ang mga nasa pamantasan naman ay tinanggal ang asignaturang Filipino upang pagbigyan ang mga dayuhan na makapag-aral at makapagtapos sa ating bansa. May pag-asa pa ba? May babaybayin pa ba?

Ang ating bansa ay nagalakbay ngayon sa mga palad ng dayuhan – sa salita ng mga Amerikano at sa bulong ng mga Tsino. Mga bansang nag-aagawan sa mga dila ng mamamayan. Sa mga pamantasan ay tinuturo ang Mandarin o Nipongo at sa mula pagkabata pa lamang ay Ingles na an gating kinamulatan. Kung tayo ay babalik sa wikang katutubo, dapat itong imulat, ibigay, ipamukha sa mga pamantasan. Sila ang dapat magsimula. Tama sa paaralan dapat magsimula. Alisin ang Ingles ngunit aalisin din ang ating mga kinagawian. Ngunit sayang naman ang ipinundar natin sa mahabang panahon mula pa sa unang bamuba ang mga Thomasites dito sa ating bansa lagpas isang daan taon na ang nakalilipas. Sayang naman ang mga Palanca awards. Sayang naman ang mga kilalang makata. Sayang naman ang mga ginagawa nating pagtuturo sa iba;t ibang bansa mismo ng wikang ito kung ito ay tatanggalin. Babalik tayo sa ating kultura, ngunit lalayo din tayo sa biyaya. Ika nga, baton a tinanggihan mo pa. Kaya tama pa ba o tama ba?


Ikalawa, tama ba ng mga salitang binanggit ni Pepe? Ang mga salitang hindi niya nagamit sa kaniyang mga nobela o karamihan sa kaniyang mga tula? Tama ba na sabihin ito ng isang henyo na mas marami pang panahon ang inilaan at itinira sa iba’t ibang bansa kesa sa kaniyang sariling bayan? Tama pa ba sa ating panahon ang buhayin ang pagsulat ng baybayin at mga katutubong wika kung gayong ang globalisasyon na ang nagtatakda na dapat ay mag-aral ng ibang wikang mauunawaan ng lahat, mababasa ng lahat at mauunawaan ng lahat? At, ang baybayin ay tayu-tayo lamang ang makakaunawa?


Sinasabi nga ng mga historyador na mayroong dalawa o tatlong nobela si Rizal sa wikang katutubo (Tagalog) ngunit ito ay hindi niya natapos. Ang pananaw ng marami dito ay hindi sanay si Rizal sa wikang katutubo. Hindi naman sinasabi na kasalanan ni Rizal na hindi siya mahusay sa Tagalog, kung hindi siya ay mas sanay gumamit ng wikang Espanyol at iba pa. Sa bagay na ito ay maitatanong mon a tama pa ban a ipagpatuloy ay pagsusulat o pagsusulat ng mga wikang katutubo kung ang mismong idolo ng marami ay nag-aral din naman ng iba’t ibang wikang banyaga? Ang pagmamahal sa wikang Tagalog ni Rizal ay hindi nawala. Ang tawag niya sa kaniyang ina ay ina at ama, alalo’ma. Siya ay sumulat ng mahahalagang sulat at panayam sa maraming tao sa wikang Tagalog lalo’t higit sa mga kababaihan sa Malolos. Kung hindi mahal ni Rizal ang bayan, ay kinain niya ang kaniyang sinabi noong pitong taong gulang pa lamang siya. Ngunit hindi: minahal ni Rizal ang kaniyang bayan na higit sa kaniyang sarili – at ang kaniyang pangalan ay nagbubuklod sa ating mga Pinoy tungo sa parehong pagmamahal na ito. Kaya’t kung tama pa ba o tama ba, ang kasagutan ay nasa puntod niya.


At ikatlo, ano ang masasabi natin sa sobrang ka-milenyalismo-han? Modern tayo, hi-tech tayo, o maski sa edukasyon – prinsipyong banyaga ang pinagkakagastusan natin ng pera? Mga aklat na gawa ng banyaga. Mga papanaw ng mga banyaga. Mga sining ng bayaga. Nasaan na ang mga aklat ng kapwa nating Pinoy? Nasaan na ang mga pananaw ng kapwa nating Pinoy? Nasaan ang mga sining ng Pinoy? Tama pa ba?


Ang Pilipinas ay isang bansang maunlad sa panitikan at pananaw bago pa man dumating ang mga mananakop nito. Bago pa man duamting ang mga Kastila, mayroon na tayong kultura. Hindi ba’t ang kultura na ito an gating mga gawi sa buhay? Ang pag-iisip, katalinuhan, mga sinasabi, at sinusulat ay mga bagay na bahagi nito. Ang bawat salita ay makulay at masarap sa tenga – masarap sa Tagalog; masiram sa Visayas; manamit sa Bikol; at manyaman sa Kapampangan. Mga salitang tumatatak sa katauhan ng bawat isa. Kung ang mga ito ay mawawala, tila isa tao na walang kamalayan o isang bansang walang kaluluwa. Ang kultura, ang pananalita, at ang pagsusulat ng ating mga katutubong wika ay ang mga ginto ng kasaysayan na nagdadala sa ating pinagmulan. Ito rin ang magdadala sa atin sa paroroonan.



Ang wikang katutubo ay daan tungo sa nagkakaisang bansa. Kung ito man ay sa pagsasalita o pagbalik sa pagsulat ng baybayin ay pareho lang. Ang mahalag ay may pagkakaisa at hindi ang kawalan nito. Ang daan tungo sa wikang Filipino ay ang ating napukaw na damdamin – ang pagmamahal sa wika ng tunay at walang alinlangan. Ang mapukaw ka sa sariling hiwaga ng wika. Ang mapukaw ka sa kahulugan nito – malalim man o mababaw. Ang kagandahan ng wikang naglalaro, mapaglaro at gusting makipaglaro sa isipan, damdamin at pagsasalita ay buhay at dapat pang palakasin. Hindi naman kailangang tanggalin ang Ingles o Mandarin, ang kailangan lamang ay ang tama at tapat na paglinang sa isipan ng mga kabataan at ang mga susunod na henerasyon. Kaya tugma si Pepe sa kaniyang tula kahit siya mismo ay nagsasalita ng 23 iba’t ibang wika.




Tama pa ba o tama ba? Oo, pareho.

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Doc Z. Proudly created with Wix.com

bottom of page